Dekada '70 Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon

von Lualhati Bautista

Format:Unknown

Si Amanda Bartolome ay isang pangkaraniwang babae—asawa ni Julian at ina ng limang anak na lalaki. Sa kanilang subdibisyon, pinakamalaking problema na niya ang mga kapitbahay nilang hindi na natapos magreklamo tungkol sa mga malokong batang Bartolome.Ngunit ang panahon ng martial law ay hindi pangkaraniwang panahon. Sa pangunguna ng panganay nilang si Jules at ang kanyang pagsabak sa madugong rebolusyon, di maiiwasang harapin ng pamilya ang karahasan ng batas militar. Habang ang kanyang mga anak ay hinuhubog ng malagim na dekada, at nahahanap ang kanya kanyang sariling adhikain sa gitna ng kaguluhan, tinatanong at tinutuklas din ni Amanda ang sarili kung ano nga ba ang kanyang tungkulin at kakanyahan bilang ina, bilang babae, bilang Pilipino.Si LUALHATI BAUTISTA ay nagsimulang magsulat sa edad na disisais. Ang mga unang kuwento niya'y nailathala sa Liwayway at sa mga antolohiya ng maiikling kuwento. Nakamit niya ang unang gantimpala sa Palanca para sa mga nobelang 'Gapô (1980), Dekada '70 (1983), at Bata, Bata . . . Pa'no Ka Ginawa? (1984), liban pa sa mga Palanca na nakamit niya para sa mga maiikling kuwento.Nagsusulat din siya sa telebisyon at pelikula. Dumanas na siya ng pagka ban ng sensor sa dulang Daga Sa Timba ng Tubig na idinerehe ni Lino Brocka. Ang Sakada na pelikulang tumatalakay sa kalagayan ng mga sugar workers at pinagtulungan nila ng isa pang screenwriter, si Oscar Miranda, ay kinumpiska ng militar sa mga unang taon ng martial law. Gayunman, ang unang solong pelikula niya, ang Bulaklak sa City Jail, ay nagkamit ng karangalang best story at best screenplay sa Metro Manila Film Festival sa taong 1984 at best screenplay sa Film Academy Awards.Noong 2017, pinarangalan siya ng Gawad Dangal ni Balagtas ng Komisyon sa Wikang Filipino

Gegenwarts- & Literarische Fiktion
172 SeitenUnknown
Erschienen an: 2023

Was ist bookie?

  • Gratis Lieferung in Deutschland
  • Finde Bücher die zu dir passen
  • Tracke dein Leseverhalten und setze dir Ziele
  • Connecte dich mit anderen Leser*innen

Hier sind noch keine Rezensionen vorhanden.

Ähnliche Bücher

Seth Rogen

Patrick Radden Keefe

Sarah Sprinz

Amie Kaufman

Thea Guanzon

David Walliams

Alana S. Portero

Roisín O’Donnell